Gabay sa Pag Unlad

Noon lamang Mayo 19, 2017 ay nagtungo sa bayan ng Baliwag ang grupo ng mga Project Development Officer II, sa pangunguna ni Ms. Kristine Manalo (CVS) kasama sina Arolyn Reyes, Pendy Galang, Raymond Aloba ng grievance redress committee, Ruby Franco, Ralph Medina ng Beneficiary Update System, at Alvin Santiago, Jess Garcia at Kristine Manalo ng Compliance verification System, na nagmula sa opisina ng DSWD Regional Office III, upang kamustahin ang kalagayan at estado ng programang Pantawid Pamilya sa ating bayan.

​Nagkaroon ng Barangay Consultation and Workshop ang naturang grupo ng PDO-II officers sa Conference Hall ng Baliwag Municipal Building Annex, na dinaluhan ng anim na put isang (61) Parent Leaders mula sa dalawam put pitong (27) barangay sa nasabing bayan.

Ang naturang aktibidad ay kinabilangan ng pagtalakay sa mga reklamo o Grievances (GRS) na kinaharap ng mga benepisyaryo at mga reklamong natangap ng Municipal Action Team ng Baliwag ukol sa mga paglabag sa pag gamit ng cash cards, o di pag ganap sa mga tungkulin at obligaysong sinang ayunan ng mga benepisyaryo alinsunod sa mga kundisyong kalakip ng pagiging isang miyembro ng Pantawid Pamilya.

 

​Tinalakay din sa naturang konsultasyon ang mga parusa sa mga paglabag gaya ng pagkasuspinde sa programa hanggang sa pagkatanggal nila dito. Napag usapan rin ang ang iskedyul ng Pay Out ng mga Cash Card holder kung saan ito ay na iskedyul ng Sabado (May 20, 2017) at ng mga Over the Counter (OTC) beneficiaries sa buwan naman Hunyo 2017.

Binigyang diin din ang tamang pag gamit sa dagdag benepisyo ng bawat pamilya, ang rice subsidy ng DSWD, kung saan ang bawat pamilya ay nakatatanggap ng anim na daang piso (600) kada buwan pambili ng bigas.

 

​Ang naging pangwakas na aktibidad ay ang reoryentasyon ng mga benepisyaryo sa Programa ng Pantawid.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s